1 - Ito nga ang sali't saling lahi ng mga anak ni Noe: si Sem, si Cham, at si Japhet: at sila'y nangagkaanak pagkaraan ng bahang gumunaw.
2 - Ang mga anak ni Japhet; si Gomer, at si Magog, at si Madai, at si Javan, at si Tubal, at si Meshech, at si Tiras.
3 - At ang mga anak ni Gomer: si Azkenaz, at si Rifat, at si Togarma.
4 - At ang mga anak ni Javan; si Elisa, at si Tarsis, si Cittim, at si Dodanim.
5 - Sa mga ito nangabahagi ang mga pulo ng mga bansa, sa kanilang mga lupain, na bawa't isa'y ayon sa kanikaniyang wika; ayon sa kanikanilang angkan, sa kanikanilang bansa.
6 - At ang mga anak ni Cham; si Cush, at si Mizraim, at si Phut, at si Canaan.
7 - At ang mga anak ni Cush; si Seba, at si Havila, at si Sabta, at si Raama, at si Sabtech: at ang mga anak ni Raama; si Sheba, at si Dedan.
8 - At naging anak ni Cush si Nimrod: siyang napasimulang maging makapangyarihan sa lupa.
9 - Siya'y makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon kaya't karaniwang sabihin: Gaya ni Nimrod, na makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon.
10 - At ang pinagsimulan ng kaniyang kaharian ay ang Babel, at ang Erech, at ang Accad, at ang Calneh, sa lupain ng Shinar.
11 - Buhat sa lupaing yaon ay napasa Asiria at itinayo ang Ninive, at ang Rehobotir, at ang Calah,
12 - At ang Ressen, sa pagitan ng Ninive at ng Calah (na siyang malaking bayan).
13 - At naging anak ni Mizraim si Ludim, at si Anamim, at si Lehabim, at si Naphtuhim.
14 - At si Pathrusim, at si Casluim (na siyang pinagbuhatan ng mga Filisteo), at ang Caphtorim.
15 - At naging anak ni Canaan si Sidon, na kaniyang panganay, at si Heth.
16 - At ang Jebuseo, at ang Amorrheo, at ang Gergeseo;
17 - At ang Heveo, at ang Araceo, at ang Sineo.
18 - At ang Aradio, at ang Samareo at ang Amatheo: at pagkatapos ay kumalat ang mga angkan ng Cananeo.
19 - At ang hangganan ng Cananeo ay mula sa Sidon, kung patungo sa Gerar, hanggang sa Gaza; kung patungo sa Sodoma at Gomorra, at Adma, at Zeboim hanggang Lasa.
20 - Ito ang mga anak ni Cham, ayon sa kanikanilang angkan, ayon sa kanikanilang wika, sa kanikanilang mga lupain, sa kanilang mga bansa.
21 - At nagkaroon din naman ng mga anak si Sem, na ama ng lahat ng mga anak ni Heber, na siya ring lalong matandang kapatid ni Japhet.
22 - Ang mga anak ni Sem; si Elam, at si Assur, at si Arphaxad, at si Lud, at si Aram.
23 - At ang mga anak ni Aram: si Uz, at si Hul, at si Gether, at si Mas.
24 - At naging anak ni Arphaxad si Sala; at naging anak ni Sala si Heber.
25 - At nagkaanak si Heber ng dalawang lalake; ang pangalan ng una'y Peleg; sapagka't sa mga araw niya'y nahati ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan.
26 - At naging anak ni Joctan si Almodad, at si Sheleph, at si Hazarmavet, at si Jerah;
27 - At si Hadoram, at si Uzal, at si Dicla.
28 - At si Obal, at si Abimael, at si Sheba.
29 - At si Ophir, at si Havila, at si Jobad: lahat ng ito ay mga naging anak ni Joctan.
30 - At ang naging tahanan nila ay mula sa Mesa, kung patungo sa Sephar, na siyang bundok sa silanganan.
31 - Ito ang mga anak ni Sem, ayon sa kanikanilang angkan, ayon sa kanikanilang wika, sa kanikanilang lupain, ayon sa kanikanilang bansa.
32 - Ito ang mga angkan ng mga anak ni Noe, ayon sa kanikanilang lahi, sa kanikanilang bansa: at sa mga ito nangabahagi ang mga bansa pagkatapos ng bahang gumunaw.